Wang Yi: dapat itigil ng Amerika ang paninikil sa Tsina

2021-09-02 16:02:19  CMG
Share with:

Sa kanyang video meeting kay John Kerry, dumadalaw na Special Presidential Envoy for Climate ng Amerika Miyerkules, Setyembre 1, 2021, tinukoy ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong nakalipas na ilang taon, lumalala ang relasyong Sino-Amerikano, at nahaharap ito sa grabeng kahirapan.
 

Dahil aniya ito sa maling estratehikong pagtasa ng panig Amerikano sa Tsina.
 

Diin niya, dapat itigil ng panig Amerikano ang paninikil sa Tsina at hindi nito dapat ituring ang Tsina bilang banta at kakompetisyon.

Wang Yi: dapat itigil ng Amerika ang paninikil sa Tsina_fororder_20210902WangYi

Saad ni Wang, bilang dalawang malaking bansa, ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpili para sa Tsina at Amerika, at ito rin ay pananabik ng komunidad ng daigdig.
 

Dapat pahalagahan at aktibong tugunan ang “dalawang listahan” at “tatlong baseline” na iniharap ng panig Tsino; isagawa ang aktuwal na aksyon para mapabuti ang bilateral na relasyon; at pasulungin ang koordinasyon at kooprasyong bilateral, panrehiyon at pandaigdig, batay sa simulain ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay, at mutuwal na kapakinabangan, dagdag niya.
 

Kaugnay ng kooperasyon ng dalawang bansa sa pagbabago ng klima, tinukoy ni Wang na imposibleng ihiwalay ito sa pangkalahatang kapaligiran ng relasyong Sino-Amerikano.
 

Aniya, dapat di-magmatigas ang Amerika sa Tsina, at aktibong umaksyon, para mapasulong ang pagbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas.
 

Saad naman ni Kerry, napakahalaga ng kooperasyong Sino-Amerikano para sa pagharap ng pangkagipitang hamon sa pagbabago ng klima.
 

Nakahanda aniya ang panig Amerikano, kasama ng panig Tsino, na igalang ang isa’t isa, palakasin ang pag-uugnayan at diyalogo, itayo ang modelo para sa pagpapatupad ng target ng Paris Agreement, at likhain ang pagkakataon para sa pagresolba sa mga kahirapang kinakaharap ng relasyong Sino-Amerikano.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method