Tagumpay ng World Anti-Fascist War, dapat igalang at sundin—Ministring Panlabas ng Tsina

2021-09-04 12:28:04  CMG
Share with:

Kahapon, Setyembre 3, 2021 ay ika-76 na anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng mga mamamayang Tsino at World Anti-Fascist War.
 

Sa regular na preskon nang araw ring iyon, isinalaysay ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ginunita nitong Biyernes ng umaga ng panig Tsino at Ruso ang nasabing okasyon sa Dongning Fortress Museum ng lunsod ng Mudanjiang, Lalawigang Heilongjiang ng Tsina. Magkahiwalay na nagtalumpati sa nasabing aktibidad ang mga ministrong panlabas na sina Wang Yi ng Tsina at Sergey Lavrov ng Rusya.
 

Diin ni Wang, hindi katanggap-tanggap ang pagtanggi sa mga kaganapan sa kasaysayan at pagdungis sa katarungan.
 

Aniya, dapat tunay na igalang at sundin ang matagumpay na bunga ng World Anit-Fascist War.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method