Sa kanyang pagdalo sa Ika-2 Yugto ng Ika-15 G20 Summit, sinabi nitong Linggo, Nobyembre 22, 2020 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na ang G20 ay may napakahalagang namumunong papel, sa aspekto ng magkakapit-bisig na paglaban ng buong mundo sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Saad niya, ang pagkakaisa at pagtutulungan ay susi para sa pagwawagi laban sa COVID-19.
Muli rin siyang nanawagan sa mga lider ng G20 na puspusang katigan ang Access to COVID-19 Tools (ACT) Accelerator initiative at COVAX.
Dagdag pa niya, napakahalaga ng pamumuno ng G20 sa aspekto ng paggamit ng yaman at mas mabuting pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayan pagkatapos ng pandemiya.
Salin: Vera
Ika-15 G20 Summit, nagdulot ng lakas para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig —— Tsina
Bunga ng pagdalo ni Pangulong Xi sa tatlong multilateral na summit, isinalaysay ni Wang Yi
Xi Jinping, inilahad ang mga paninindigan sa pagbabawas ng karalitaan
5 bakuna ng Tsina kontra COVID-19, nasa phase III clinical trial sa maraming bansa