Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino

2021-09-07 23:32:50  CMG
Share with:

Ipininid ngayong araw, Setyembre 7, 2021, sa Beijing, ang taunang China International Fair for Trade In Services (CIFTIS).

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image001

CIFTIS sa Shougang Park

 

Bilang mahalagang aktibidad sa sektor ng kalakalang panserbisyo ng daigdig, lumahok ang mahigit 10 libong kompanya mula sa 153 bansa at rehiyon sa kasalukuyang CIFTIS, online o offline na porma. Ang bilang ng mga kalahok na bansa at rehiyon ay mas malaki nang 5 kumpara sa noong isang perya.

 

Hinggil dito, ipinahayag ni Saito Keiichiro, Puno ng Japan National Tourism Organization-Beijing Office, ang positibong pagtasa sa mahalagang papel ng CIFTIS, at pag-asa sa muling paglabas ng potensyal ng napakalaking pamilihan ng Tsina.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image003

Pagtatanghal ng kultura ng mga bansa ng Belt and Road sa 2021 CIFTIS

 

Ang sektor ng modernong serbisyo ay direksyon ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at pahalaga nang pahalaga ang papel nito.

 

Noong unang hati ng taong ito, 29.6 trilyong yuan RMB ang value added ng sektor ng serbisyo ng Tsina, at ang porposisyon nito sa GDP ay tumaas sa 55.7% mula sa 54.5% noong nagdaang taon.

 

Ang Shougang Park sa kanlurang Beijing ay lugar na pinagdausan ng 8 theme exhibition ng kasalukuyang CIFTIS. Noong dati, ang lugar na ito ay base ng produksyon ng bakal at asero ng Tsina, at sa kasalukuyan, ito ay isa nang malaking parke. Ipinakikita ng pagbabagong ito ang proseso ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino mula heavy industry hanggang sa modernong serbisyo.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image005

CIFTIS sa Shougang Park

 

Naitatag noong 1919, ang Shougang Group ay tagapanguna ng industriya ng bakal at asero ng Tsina, at kilala ito sa lakas-loob sa larangan ng inobasyon at pagsubok ng mga bagong teknolohiya.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image007

Mga manggagawa sa Shougang Group noong 1960s

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image009

Panghuling produksyon ng bakal noong 2010 bago makumpleto ang paglilipat ng Shougang sa labas ng Beijing

 

Sa kasalukuyan, ang kompanya ay nabibilang sa Top 500 Enterprises ng daigdig. Mahigit 500 bilyong yuan ang kabuuang halaga ng mga ari-arian nito, halos 90 libo ang mga empleyado, 30 milyong tonelada ang taunang output ng asero, at marami ang mga sangay nito sa buong daigdig.

 

Ang Shougang Park ay kinaroroonan ng Shougang Group noong nakaraan. Pero, kahit ito ay isa nang parke ngayon, hindi binuwag ang mga lumang pagawaan dito, sa halip, isinagawa ang renobasyon at muling ginagamit ang mga ito sa ibang mga paraan. Ito ay ideya sa pagpapaunlad ng industriya at pagpaplano ng kalunsuran ng Tsina nitong mga taong nakalipas.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image011

Sa loob ng ika-3 pagawaan ng asero ng Shougang Group (kinuha noong 2007)

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image013

Mga manggagawa sa profile production line (kinuha noong 2006)

 

Sa taong ito, ang Shougang Park ay naging venue ng CIFTIS sa kauna-unahang pagkakataon. Ang mga tanghalan ay nagbigay ng bagong tanawin sa lugar na ito.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image015

Desulfurization workshop noong nakaraan (kaliwa) at pagkaraan ng renobasyon (kanan)

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image017

CIFTIS sa Shougang

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image019

Mula kaliwa hanggang sa kanan, mga eksibit ng Iran, Sri Lanka, Malaysia, at Thailand sa Belt and Road theme exhibition ng 2021 CIFTIS

 

Kasabay ng pagiging pook na panlibangan, at office building, ang Shougang Park ay nagkaroon ng bagong papel -- lugar ng pagtatanghal.

 

Kuwento ni Jiang Jinyu, pagbabago ng dating empleyado ng Shougang Group

 

 

Isinilang noong 1977, si Jiang Jinyu ay minsang opereytor ng kreyn sa Shougang Group.

 

Ayon kay Jiang, malaki ang kanyang kreyn, at ang crane cabin ay may 30 hanggang 40 metrong taas mula sa lupa. Sa panahon ng trabaho, ilang oras siyang umuupo sa loob ng cabin, nag-isa, at walang ibang kausap.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image021

Si Jiang Jinyu sa No.3 Blast Furnace (kaliwa) at sa loob ng crane cabin (kanan)

 

Alang-alang sa pangangalaga sa kapaligiran at pagbabago ng estrukturang pangkabuhayan ng Beijing, noong 2005, sinimulang ilipat sa ibang lugar ang Shougang, at noong 2010, nakumpleto ang paglilipat.

 

Noong panahong iyon, nanatili si Jiang sa Beijing, at ang kanyang trabaho ay tagabantay ng mga hindi na ginagamit na pagawaan at kagamitan. Sinabi ni Jiang, na hindi siya masaya noong panahong iyon, dahil nawalan siya ng pag-asa sa sariling kinabukasan.

 

Noong 2016, lumitaw ang pagkakataon, dahil inilagay ng komiteng tagapag-organisa ng Beijing Winter Olympics ang punong himpilan sa Shougang Park, at isinagawa ang renobasyon sa mga pagawaan para maging opisina.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image023

Estrukturang kinaroroonan ng mga tanggapan ng komiteng tagapag-organisa ng Beijing Winter Olympics: noong nakaraan (kaliwa) at pagkaraan ng renobasyon (kanan)

 

Si Jiang ay naging empleyado ng komiteng tagapag-organisa ng Beijing Winter Olympics. Ang kanyang trabaho ay tagapatnubay ng mga bisita sa parke at tagapagsalaysay ng kasaysayan ng Olimpiyada sa Beijing at pagbabago ng Shougang.

 

Sinabi ni Jiang, na noong simula, hindi siya sanay sa bagong trabaho, dahil noong dati ay nag-iisa lamang siya sa loob ng crane cabin. Subalit ngayon, kailangan niyang humarap sa maraming tao, at laging naglalakad at nagsasalita.

 

Ngunit determinado si Jiang na buong husay na gawin ang bagong trabaho, at ibunubuhos ang napakalaking pagsisikap sa pagsasanay. Noong panahong walang bisita, paulit-ulit siyang naglalakad sa loob ng Shougang Park at isinasaulo ang mga paliwanag sa iba't ibang lugar. Hindi nagtagal, nai-akma ni Jiang ang sarili sa trabaho.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image025

Si Jiang Jinyu at mga bisita

 

Sa kasalukuyan, napatnubayan na ni Jiang ang mahigit 1600 pagbisita, at napaglingkuran ang mahigit 30 libong bisita mula sa loob at labas ng Tsina. Kabilang dito, ang pinaka-bantog ay si Andrew Parsons, Presidente ng International Paralympic Committee.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image027

Si Jiang Jinyu at mamamahayag ng CMG

 

Ayon kay Jiang, naganap ang napakalaking pagbabago sa Shougang Park. Ang dating mga pagawaan ay naging mga meeting room at opisina, at ang dating canteen ay naging restawran.

 

Hinahangaan naman ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee, ang pagbabago ng Shougang Park. Ito aniya ay himala sa aspekto ng renobasyon sa hindi ginagamit na mga pagawaan at pagpaplano ng kalunsuran.

 

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image029

Shougang Canteen

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image031

Tool Workshop Meeting Room

Shougang Park at CIFTIS, mga kuwento tungkol sa transpormasyon ng kabuhayang Tsino_fororder_image033

Dating concrete silo sa Shougang Group (kaliwa) ay naging office building (kanan)

 

Masayang-masaya si Jiang sa kasalukuyang trabaho. Aniya, patuloy na magpupunyagi ang mga empleyado ng Shougang, at mahusay sila hindi lamang sa paggawa ng bakal at asero, kundi sa pagiging tagapatnubay ng mga turista.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Mga mamamahayag: Liu Yixuan, Yan Siyu, Li Xiaoping, Li Qingli, Wu Zhihui, Zhang Qiang, Wang Xiaoyan, at Yao Shiya

Please select the login method