Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki

2021-09-06 11:44:14  CMG
Share with:

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_ciftispinas07

Embahador Jose Santiago Sta. Romana (ikaapat sa kaliwa) kasama ang iba pang opisyal-Pilipino sa kumperensiya

 

Beijing - Upang ipakilala sa merkadong Tsino ang mga bentahe ng Pilipinas sa mga larangang gaya ng turismo, negosyo at pamumuhunan, at agrikultura, idinaos bilang bahagi ng China International Fair for Trade In Services (CIFTIS), Setyembre 4, 2021 ang "The Philippines Awaits - A Conference on Philippine Services in Tourism, Business and Agriculture."

 

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_ciftispinas01

Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina

 

Sa kanyang pambungad na talumpati, ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na sa pamamagitan ng ganitong kaganapan, nais palakasin ng Pilipinas ang kamalayan ng mga kompanyang Tsino hinggil sa mga pakinabang at pag-unlad na kanilang makakamtan sakaling sila ay mamumuhunan sa bansa.

 

Dahil sa kumperensiyang ito, "Umaasa rin kaming mapapatibay ang pagtutulungan at iba pang kooperasyon sa pagitan ng mga Pilipino at Tsinong negosyo, bilang bahagi ng patuloy na programa sa pang-ekonomikong diplomasya," dagdag ng embahador.

 

Aniya, sa kabila ng mga pagsubok at hamong hatid ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hindi tumitigil ang Embahada ng Pilipinas sa Tsina at mga representantibong tanggapan sa turismo, negosyo at pamumuhunan, at agrikultura upang ipakilala ang mga pakinabang na alok ng Pilipinas sa merkadong Tsino.

 

Lahad pa ni Sta. Romana, aktibong nakilahok ang Pilipinas sa malalaking ekposisyon sa negosyo at pamumuhunan, at kultura noong 2020 na tulad ng China International Import Expo (CIIE); China International Fair for Investment and Trade (CIFIT); China International Fair for Trade In Services (CIFTIS); China-ASEAN Expo (CAEXPO); at Philippines-China International Economic, Trade and Culture Exchange Forum.

 

"Ang ating determinasyon upang ipagpatuloy ang pagsusulong ng turismo, negosyo at pamumuhunan, at agrikultura ay matatag," aniya.

 

Ibinahagi pa ng embahador na ang Tsina ay isa sa mga pinakamabilis lumaking pinagmumulan ng dayuhang puhunan ng Pilipinas.

 

Sa kasalukuyan, ang Foreign Direct Investment (FDI) aniya na nagmumula sa Tsina ay umakyat sa $USD3.4 bilyon: ito ay mas malaki ng 37.8% kumpara sa $USD2.53 bilyon lamang noong nakaraang taon.

 

Kaugnay nito, ang Tsina ang pinakamalaking katuwang na pangnegosyo, pinakamalaking merkado na pinanggagalingan ng mga inangkat na produkto, at ikatlong pinakamalaking merkado ng pagluluwas ng Pilipinas, dagdag ni Sta. Romana.

 

Bukod pa riyan, ang Tsina rin aniya ang pinakamalaking katuwang na pangnegosyo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

"Dahil dito, itinuturing natin ang Regional Comprehensive Partnership Agreement (RCEP), na pinagtibay [ng ASEAN at Tsina] noong Nobyembre 2020 bilang isa pang mahalagang basehan sa pagpapanatili ng masiglang tunguhin ng ating mga aktibidad pampromosyon," paliwanag ng embahador.

 

Ang RCEP aniya ay isang katangi-tanging plataporma upang maipakilala sa merkadong Tsino ang mga likas na kalakasan ng Pilipinas bilang lugar pampamumuhunan.

 

Pero, para matamasa ang mga benepisyo ng RCEP, batid ng Pilipinas na kailangang ipatupad ang mga panloob na hakbangin, kaya naman isinulong aniya ng pamahalaang Pilipino ang ilang kritikal na reporma upang mapagaan at mapadali ang pagtatayo ng negosyo sa bansa.

 

Hayag pa niya, isa sa mahahalagang inisyatiba ay ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE), na siyang magpapababa ng hanggang 10% buwis na binabayaran ng mga kompanya, at magbibigay ng pinag-ibayong insentibong piskal at di-piskal (fiscal and non-fiscal incentives) sa mga may mataas na halagang estratehikong pamumuhunan.

 

Sa pamamagitan ng mga repormang ito, napagaan aniya ang negatibong epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng Pilipinas at siya ring nagiging dahilan ng maagang pagbangon ng bansa mula sa panlulumo.

 

Lahad ng embahador, 11.8% na mas malaki ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong ikalawang kuwarter ng taong ito, kumpara sa nakaraang kuwarter.

 

Sa sektor naman ng industriya, 20.8% ang naitalang pagtaas sa ikalawang kuwarter kumpara sa unang kuwarter ng taon, samantalang nanatili sa 7.7% ang lebel ng walang trabaho o unemployment rate sa unang hati ng 2021.

 

Ipinagmalaki ni Sta. Romana, na sa kabila ng lahat ng hamon, napanatili ng Pilipinas ang investment grade credit nito mula sa Moody's, at S&P and Fitch Ratings.

 

"Ang nasabing mga pag-unlad ay matibay na pagpapakita sa likas na kapasidad ng ekonomiya ng Pilipinas na mapagtagumpayan ang lahat ng hamon, at nagsisilbing hudyat sa nagbabadyang muli nitong paglakas," sabi pa niya.

 

Anang embahador, ang Pilipinas ay napaka-inam na destinasyong pampamumuhunan para sa mga kompanyang Tsino dahil ang bansa ay mayroong malawak na bilang ng lakas-paggawa na nagtataglay ng mataas na kakayahan, madaling matuto, at talentado.

 

"Patuloy na pabubutihin ng Pilipinas ang mga kondisyon upang maging kaaya-aya para sa negosyo at pagpapalawak ng pamumuhunan," diin ni Sta. Romana.

 

Epektibong implementasyon ng mga alituntuning pangkalusugan, tungo sa muling pagbubukas ng Pilipinas

 

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_ciftispinas02

Dr. Erwin F. Balane, Tourism Counsellor ng Department of Tourism-Beijing Office (DoT-Beijing)

 

Sa kanyang presentasyon, sinabi ni Dr. Erwin F. Balane, Tourism Counsellor ng Department of Tourism-Beijing Office (DoT-Beijing) na malaki ang negatibong epekto ng pandemiya ng COVID-19 sa industriyang panturismo ng Pilipinas.

 

Noong 2019, ang Tsina aniya ang ikalawang pinakamalaking pinagmumulan tursita ng Pilipinas, na may kabuuang bilang na 1.75 milyon.

 

Dagdag pa niya, ang Tsina rin ang isa sa mga pinakamalaking kontributor ng pagpapalitang pandayuhan sa pamamagitan ng paggastang panturismo o tourism expenditure na nagkakahalaga ng $USD2.33 bilyon sa naturang taon.

 

Pero lahat ito ay nagbago simula nang manalasa ang pandemiya ng COVID-19.

 

Bumaba ng 82% ang pagdating ng mga biyahero sa Pilipinas, may kalungkutang saad ni Balane.

 

"Dahil dito, hinagilap ng DoT ang mga tourism circuit upang suportahan ang pagpihit tungo sa domestikong turismo. Ang ating pangunahing pokus ay nakatuon sa mga produktong panturismong nasa loob ng nabanggit na tourism circuit, na may mga katangiang gaya ng matatag, inklusibo, inobatibo, sustenable, at nakakahalina," paliwanag niya.

 

Dagdag pa riyan, lalo pa aniyang pinapa-igting ng pamahalaang Pilipino ang pagpapatupad ng mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan upang mapaliit ang panganib ng pagkahawa sa coronavirus.

 

Binigyan-diin niyang ang epsiyente at epektibong implementasyon ng mga hakbang panturismo sa loob ng mga nasabing tourism circuit ay magbibigay-daan sa kinakailangang paghahanda tungo sa muling pagbubukas ng hanggahan ng Pilipinas sa mga dayuhang bisita, na kinabibilangan ng mga kaibigang Tsino.

 

Mga kompanyang Tsino, mamumuhunan sa paggawa ng bakuna at didyital na teknolohiya sa Pilipinas

 

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_ciftispinas03

Glenn Penaranda, Trade Counsellor ng Philippine Trade and Investment Center-Beijing (PTIC-Beijing)

 

Sa kanya namang bahagi, inilahad ni Glenn Penaranda, Trade Counsellor ng Philippine Trade and Investment Center-Beijing (PTIC-Beijing) ang ibat-ibang oportunidad pampamumuhunan at polisiyang alok ng Pilipinas sa mga negosyanteng Tsino.

 

Sinabi niyang nakahandang makipagtulungan at mamuhunan ang mga kompanyang Tsino sa Pilipinas sa larangan ng paggawa ng bakuna.

 

Ito aniya ay isang mabuting balita, dahil hindi lamang nito mapapatibay ang pandaigdigang supply chain ng bakuna, mapapalakas pa nito ang pandaigdigang laban sa COVID-19.

 

Bukod pa riyan, ipinahayag ni Penaranda na nais ding makipagtulungan ng mga kompanyang Tsino sa larangan ng didyital na teknolohiya.

 

Kaugnay nito, ang DITO Telecommunity, ikatlong malaking kompanya ng telekomunaksyon sa Pilipinas ay isang joint venture sa pagitan ng Udenna Corporation ng Pilipinas at China Telecom ng Tsina.

 

Ang Wuhan Fiberhome Telecommunications Technologies ng Tsina ay siya ring nagbibigay ng mga produkto, serbisyo at solusyon para sa mga impormasyong panteknolohiya at industriya ng telekomunikasyon ng Pilipinas simula pa noong 2011.

 

Ani Penaranda, dahil sa matatag na hakbang sa makro-ekonomiya at pamamahalang piskal, ang Pilipinas ay nasa posisyon ng mabilis na pag-ahon, matapos ang COVID-19.

 

Ang bansa aniya ay may malaki at mabilis-umunlad na domestikong merkado, at dahil sa heograpikal na lokasyon at mabuting polisiyang pang-negosyo, ang mga mamumuhunan ay magkakamit ng maraming preperesiyal na akses sa lahat ng pandaigdigang pamilihan.

 

Diin pa niya, ang Pilipinas ay may malaki at batang lakas-paggawa, na madaling matuto at may mataas na kakayahan, at napaka-inam nito sa lahat ng dayuhang mamumuhunan.

 

Patuloy din aniyang pinagbubuti ng pamahalaang Pilipino ang kapaligirang pang-negosyo sa pamamagitan ng mga reporma sa polisiya, at malakas pag-enkorahe sa mga dayuhang kompanya upang maglagak ng negosyo sa bansa.

 

"Sa pamamagitan ng CREATE Act, naging mas kompetitibo ang Pilipinas sa mga dayuhang kompanya, at makapagbibigay ng mas malaking kita sa mga dayuhang mamumuhunan," paliwanag ni Penaranda.

 

Agrikultura ng Pilipinas, ibinida

 

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_ciftispinas04

Ana Abejuela, Agricultural Counsellor ng Department of Agriculture-Beijing (DA-Beijing)

 

Ipina-alala naman ni Ana Abejuela, Agricultural Counsellor ng Department of Agriculture-Beijing (DA-Beijing), na kahit nananalanta pa rin ang COVID-19, "kailangang kumain ng mga tao," kaya naman napakahalaga at isang matalinong pagpili ang mamuhunan sa agrikultura.

 

Kaugnay nito, inilahad niya ang mga oportunidad at bentahe sa paglalagak ng puhunan sa agrikukltura ng Pilipinas, gaya ng sa mangga, durian, saging, at kakaw, na may malaking pangangailangan sa pamilihang Tsino.

 

Ikasiyam na CIFTIS, idinaraos sa Beijing

 

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_ciftispinas06

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_01

Embahador Sta. Romana kasama ang iba pang opisyal-Pilipino sa Pabilyon ng Pilipinas sa 2021 CIFTIS

 

Sa ilalim ng temang "Towards Digital Future and Service Driven Development," idinaraos mula Setyembre 2 hanggang 7, 2021 sa Beijing ang China International Fair for Trade-in Services (CIFTIS).

 

Nagsimula noong 2012, ang CIFTIS ay isang taunang kaganapang naglalayong i-promote ang trade in services sa maraming bansa at rehiyon ng mundo.

 

Ang taong ito ang ika-9 na taong pagdaraos ng CIFTIS.

 

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_微信图片_20210907111849

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_微信图片_20210907111903

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_微信图片_20210907111906

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_微信图片_20210907111910

Kumperensiya sa turismo, negosyo at agrikultura, idinaos ng Pilipinas sa Beijing: bentaheng alok ng bansa sa merkadong Tsino, ipinagmalaki_fororder_微信图片_20210907111913

Pabilyon ng Pilipinas sa 2021 CIFTIS

 

Sa taong ito, nakatuon ang CIFTIS sa pagpopromote ng bagong digital na kapaligiran at pagpapasulong ng pagbangon ng pandaigdigang turismo; kabilang sa mga ito ang pagpapalakas ng pandaigdigang digital na ekonomiya, digital trade planning, digital financial service, digital culture and tourism service, digital sports service, digital education, at iba pa.

 

Ang exhibition area ay may mahigit 130,000 metro-kuwadrado, at mahigit 10,000 kompanya mula sa 153 na bansa ang kalahok.

 

Reporter: Rhio Zablan at Liu Kai
Web editor: Liu Kai
Salamat kay Ramil Santos para sa mga kuhang-larawan

Please select the login method