Sinabi kamakailan ni Jen Psaki, Press Secretary ng White House, may ilang bansa ang gustong manatili sa Afghanistan ang Amerika kaysa Tsina at Rusya, dahil kung mananatili ang Amerika doon, kukunin nito ang malaking yaman ng bansa.
Kaugnay nito, tinukoy nitong Lunes, Setyembre 6, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kaukulang pananalita ng panig Amerikano ay pag-aakala sa kilos ng iba, batay sa sariling karanasan.
Ito aniya ay paghanap ng katwiran o palusot para sa sariling kabiguan, at nagpapakita ng pagtatangka ng Amerika na patuloy na palaganapin ang power politics sa daigdig.
Saad ni Wang, dapat isabalikat ng Amerika ang kinakailangang obligasyon para sa pagsasakatuparan ng Afghanistan ng mapayapang rekontruksyon, sa halip ng pagbabaling ng sariling pananagutan sa mga kapitbansa ng Afghanistan at komunidad ng daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac