Kaugnay ng pagdududa at pagbatikos kamakailan ng maraming bansa sa paggamit ng Amerika ng ahensya ng intelehensya para sa imbestigasyon sa pinanggalingan ng coronavirus, inihayag nitong Biyernes, Setyembre 3, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na pinatutunayan ng reaksyon ng komunidad ng daigdig, na ang pamumulitika ng Amerika sa isyu ng origin tracing ay taliwas sa mithiin ng mga mamamayan.
Aniya, hindi magtatagumpay ang tangka ng Amerika na ibaling ang sariling pananagutan sa ibang bansa, sa katwiran ng origin tracing.
Dagdag ni Wang, nauna rito, sa pamamagitan ng mga paraang gaya ng pagpapadala ng liham sa Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), pagpapalabas ng pahayag at kalatas, humiling ang mahigit 80 bansa na igalang ang siyentipikong konklusyon ng ulat ng magkasanib na pagsisiyasat ng Tsina at WHO sa pinagmulan ng coronavirus.
Samantala, iniharap ng mahigit 300 partido, organisasyong panlipunan, at think tank mula sa mahigit 100 bansa’t rehiyon ang magkakasanib na pahayag sa sekretaryat ng WHO, bilang pagtutol sa pagsasapulitika ng origin tracing.
Diin ni Wang, dapat alisin ng komunidad ng daigdig ang kaguluhang mula sa political virus, at likhain ang magandang kapaligiran para sa siyentipikong origin tracing.
Salin: Vera
Pulido: Mac