Tsina, nanawagan para malutas ang mga pagkakaiba sa Myanmar sa pamamagitan ng pulitikal na diyalogo

2021-06-19 14:46:39  CMG
Share with:

Sa di-pormal na pulong ng United Nations Security Council tungkol sa kalagayan sa Myanmar na idinaos kahapon, Hunyo 18, 2021, sinabi ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations, na umaasa ang Tsina, na malulutas sa lalong madaling panahon ng lahat ng mga panig ng Myanmar ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng pulitikal na diyalogo at sa loob ng konstitusyonal at lehitimong balangkas ng bansang ito.

 

Ipinahayag din ni Zhang ang pagsuporta ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na isagawa ang medyasyon sa Myanmar sa pamamagitan ng "paraan ng ASEAN."

 

Samantala, nanawagan si Zhang sa komunidad ng daigdig, na igalang ang soberanya, kasarinlang pulitikal, kabuuan sa teritoryo, at pambansang pagkakaisa ng Myanmar, isagawa ang obdiyektibong atityud, suportahan ang pagsisikap ng mga may kinalamang bansa, iwasan ang sangsyon at pakikialam sa Myanmar, at likhain ang angkop na kapaligiran para sa paglutas ng Myanmar sa mga isyu nito.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method