Phnom Penh, Kambodya—Nakipagtagpo nitong Linggo, Setyembre 12, 2021 si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya kay Wang Yi, dumadalaw na Kalihim ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Diin ni Hun Sen, patuloy at buong tatag na susuportahan ng kanyang bansa ang lehitimong paninindigan ng panig Tsino sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina na gaya ng Taiwan, Hong Kong at Xinjiang.
Umaasa aniya siyang mapapalakas pa ang kooperasyon sa Tsina sa usapin ng paglaban sa pandemiya, at pagpapasulong sa bagong anatas ng bilateral na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Nangako naman si Wang na patuloy na ipagkakaloob ng panig Tsino ang mga bakuna at materyal kontra pandemiya sa Kambodya.
Nakahanda aniya siyang pabilisin, kasama ng Kambodya ang hakbang ng de-kalidad na pagtatatag ng Belt and Road.
Umaasa ang Tsina na sa panahon ng termino ng Kambodya bilang tagapangulong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na taon, matatapos ng Tsina at mga bansang ASEAN ang negosasyon sa Code of Conduct in the South China Sea (COC), at itatakda ang substansyal at mabisang alituntuning angkop sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea, dagdag niya.
Bago ang pagtatagpo, magkasamang dumalo ang dalawang lider sa seremonya ng paglilipat ng proyekto ng national stadium na itinayo sa ilalim ng pondo ng pamahalaang Tsino.
Sumaksi rin sila sa paglagda ng dokumento ng bilateral na kooperasyon matapos ang pagtatagpo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Mensaheng pambati para sa Ika-70 Anibersaryo ng CPP, ipinadala ng Tsina sa Kambodya
Lider ng Kambodya, itinanggi ang pananalitang “labis na pagsandig sa Tsina”
Ikalawang pangkat ng bakunang gawa ng Tsina, dumating ng Kambodya
Kambodya, Laos, at Kuwait, suportado ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng HongKong
Wang Yi, bibiyahe sa Biyetnam, Cambodia, Singapore at Timog Korea