179 na proyektong nagkakahalaga ng mahigit 300 bilyong Yuan RMB ang nalagdaan sa Ika-18 China-ASEAN Expo (CAExpo). Ito ay mas malaki ng 13.7% kumpara sa nagdaang ekspo na naging bagong rekord kumpara sa mga nakaraang ekspo. Ito ay ibinahagi ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo.
Ipininid nitong Setyembre 13, 2021 sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-18 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business Investment Summit (CABIS).
Ayon pa kay Wang, nakatakdang idaos sa Nanning ang Ika-19 na CAExpo mula Setyembre 16 hanggang 19 ng susunod na taon. Ang Malaysia ay magsisilbing country of honor sa gaganaping ekspo.
Salin: Lito
Pulido: Mac