Mula ika-13 hanggang ika-14 ng Setyembre, 2021, local time, lumalahok si Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa pagdinig ng kongreso hinggil sa isyu ng pag-urong ng tropa mula sa Afghanistan.
Tinaya ng American media na mahaharap si Blinken sa pinakamariing pagsisiyasat sa napakabigong pag-alis ng tropang Amerikano mula sa Afghanistan.
Walang duda, ang Amerika ay pinakamalaking apisyunado ng digmaan sa daigdig. Kahit mahigit 240 taon lang ang kasaysayan nito, lumampas na sa 200 beses ang bilang ng mga digmaan na inilunsad o nilahukan ng Amerika.
Upang mapangalagaan ang hegemonyang Amerikano, madalas na ginagamit ng ilang pulitikong Amerikano ang paraang militar, upang makialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, palaganapin ang American value, at higit sa lahat, wasakin ang rehimen ng ibang bansa. Ang pananampalataya sa dahas ay nagsisilbing katangian ng hegemonyang Amerikano.
Samantala, sa katwiran ng “paglaban sa terorismo,” ikinakalat ng Amerika ang digmaan sa iba’t ibang sulok ng mundo, at nakikinabang nang malaki dito ang mga kompanya ng industriyang militar ng Amerika.
Nagtangka ang Amerika na baguhin ang ibang bansa, batay sa sariling mithiin, at sapilitang palaganapin ang umano’y demokrasya, pero bigo ang lahat ng pagsubok nito, at nagbunsod ng napakalaking kapahamakan sa mga mamamayan sa lokalidad.
Walang natanggap na benepisyo ang mga kaalyansa ng Amerika. Sa proseso ng pagpapasiya at pag-oorganisa ng Amerika ng pagpapaurong ng tropa mula sa Afghanistan, hindi isinaalang-alang nito ang mga kaalyansa.
Panahon na para isagawa ang pagsisiyasat sa pinag-ugatan ng digmaan sa Amerika!
Salin: Vera
Pulido: Mac