CMG Komentaryo: Tsina, nananatiling “natatanging sandigan” ng paglago ng kabuhayang pandaigdig

2021-09-16 15:54:53  CMG
Share with:

Inilabas ng Tsina Miyerkules, Setyembre 15, 2021 ang datos ng pambansang kabuhayan sa Agosto.
 

Ayon dito, noong nagdaang buwan, nasa makatuwirang antas ang mga pangunahing makro indeks ng ekonomiya, nanatiling matatag sa kabuuan ang hanap-buhay at presyo ng mga paninda, nagpatuloy ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayan, at tuluy-tuloy na lumitaw ang kakayahan sa pagbangon at pag-unlad.
 

Samantala, kasabay ng pagbabago at pag-a-upgrade ng estruktura ng kabuhayan, walang humpay na pinasisigla ang inobasyon, at patuloy na dumaragdag ang mga paborableng elementong sumusuporta sa pagbangon ng ekonomiya, bagay na nakakapagpasulong sa matatag na paglago ng kabuhayang Tsino, dagdag ng datos.
 

Dahil sa pagpapalawak ng pagbubukas, mabisang napagpasigla ng Tsina ang kabuhayang pandaigdig, sa kabila ng kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Noong Agosto, naitala ang pinakamataas na kabuuang halaga ng kalakalang panlabas sa kasaysayan ng bansa, at ito ay higit sa ekspektasyon ng pamilihan, sa kapuwa bahagdan ng paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas.
 

Kasabay ng ibayo pang pagpapalawak sa lebel ng pagbubukas sa labas, nananatiling mainit na destinasyon ng pamumuhunang dayuhan ang Tsina.
 

Kaugnay nito, inilabas kamakailan ng BlackRock Investment Institute ang 2021 Midyear Outlook, at tinukoy rito na kumpara sa ibang bansa sa daigdig, mas malakas ang kabuhayang Tsino sa aspekto ng pagharap sa impak ng pandemiya ng COVID-19.
 

Bukod diyan, nagsilbi rin itong “distinct pole” o “natatanging sandigan” ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method