Tsina: umaasang igagarantiya ng IAEA ang lubusang kaligtasan ng pagtatapon ng nuclear contaminated water ng Hapon

2021-09-08 15:16:00  CMG
Share with:

Inihayag nitong Martes, Setyembre 7, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asa ng panig Tsino na lubos na pakikinggan ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang opinyon ng mga stakeholder, at igagarantiya ang lubusang kaligtasan ng pagtatapon ng nuclear contaminated water.
 

Ayon sa ulat, bibisita sa Hapon ang isang grupo na pamumunuan ni Pangalawang Direktor Heneral Lydie Evrard ng IAEA sa loob ng linggong ito, para talakayin ang hinggil sa ligtas na pagtatapon ng nuclear sewage ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Station, at maglakbay-suri sa nasabing power station.
 

Tinukoy ni Wang na dapat komprehensibong makipagkoordina ang panig Hapones sa IAEA.
 

Diin niya, umaasa ang panig Tsino na hindi itatapon ng panig Hapones ang nuclear sewage sa dagat, bago lubos na makipagsanggunian sa mga stakeholder at kaukulang organisasyong pandaigdig, at magkaisa ng palagay.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method