Pangulong Tsino, bumati sa unang International Summit on BDS Applications: usapin ng pandaigdigang sistema ng satelayt, pasusulungin

2021-09-16 16:01:41  CMG
Share with:

Changsha, Lalawigang Hunan, Tsina—Binuksan Huwebes, Setyembre 16, 2021 ang kauna-unahang International Summit on BeiDou Navigation Satellite System (BDS) Applications.

Pangulong Tsino, bumati sa unang International Summit on BDS Applications: usapin ng pandaigdigang sistema ng satelayt, pasusulungin_fororder_20210916BDS

Sa kanyang liham na pambati, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang ipatalastas niya ang pagsasaoperasyon ng serbisyo ng Beidou-3 Navigation Satellite System noong Hulyo ng nagdaang taon, patuloy na pinapalaganap at ginagamit ang BDS sa lampas kalahati ng mga bansa’t rehiyon ng buong mundo.
 

Bukod diyan, pumasok na rin aniya sa yugto ng pagmemerkado, industriyalisasyon, at internasyonalisasyon ang pag-unlad ng BDS.
 

Kasama ng iba’t-ibang panig, nakahanda ang Tsinang pasulungin ang konstruksyon ng BDS at pag-unlad ng industriya ng BDS, ibahagi ang bunga ng BDS, at pasulungin ang progreso ng usapin ng global satellite navigation, diin niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method