Bilang paghahanda sa pagbalik sa planetang Mundo, ipinatalastas ngayong araw, Setyembre 16, 2021 ng China Manned Space Engineering Office, ang pagkalas ng Shenzhou-12 manned spacecraft na may lulang tatlong astronaut mula sa space station ng bansa.
Sapul noong Hunyo 17, 90-araw na namuhay at nagtrabaho sa naturang space station ang mga astronaut na Tsino.
Ito ay bagong rekord sa pananatili ng mga astronaut ng bansa sa orbita ng Mundo, sa loob ng isang misyon.
Samantala, itinatayo pa rin ang space station ng Tsina.
Kaugnay nito, isasagawa ang walo pang ibang misyon, na kinabibilangan ng tatlong manned mission, para matapos ang nasabing konstruksyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan