Sinabi kamakailan ng opisyal ng Australia na mali ang pagbatikos hinggil sa paghadlang ng Australia sa pagbibigay ng Tsina ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Papua New Guinea.
Kaugnay nito, sinabi nitong Huwebes, Hulyo 8, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na may detalyadong pagkokober ng media hinggil sa kung papaanong hinadlanagan at sinira ng Australia ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang pulo ng Pasipiko sa bakuna.
Tinukoy niyang sa halip ng pagtanggi, mas maganda kung hayagang sasabihin ng panig Australyano ang pagtanggap sa kooperasyon ng Tsina at mga bansang pulo ng Pasipiko sa bakuna, at kahandaan ng pagbibigay-tulong, kasama ng Tsina, sa paglaban ng nasabing mga bansang pulo sa pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Mac