Pag-aaplay ng Tsina sa CPTPP, mabuti sa proseso ng integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko

2021-09-18 12:03:50  CMG
Share with:

Kaugnay ng pag-aaplay ng Tsina sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP), sinabi kahapon, Setyembre 17, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa pagkakaroon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), ang nasabing hakbang ay makakatulong sa proseso ng integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko, at makakapagpasulong din sa pagbangon ng kabuhayan, pag-unlad ng kalakalan at paglago ng pamumuhunan ng buong mundo matapos ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
 

Saad ni Zhao, buong tatag na iminumungkahi ng Tsina ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan, at aktibong lumalahok sa kooperasyong panrehiyon at integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko.
 

Ang pormal na pag-aaplay ng Tsina sa CPTPP ay muli aniyang nagpapakita ng determinasyon nito sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at pagpapasulong sa rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan.
 

Ayon kay Zhao, sa susunod na hakbang, isasagawa ng Tsina ang kinakailangang negosasyon sa iba’t-ibang kasapi ng CPTPP, batay sa kaukulang prosedyur.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method