Ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Pebrero 24, 2021 ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa kasalukuyang taon, buong tatag na patitibayin ng Tsina ang pundamental na kalagayan ng kalakalan at pondong dayuhan.
Sa isyu ng tunguhin ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, sinabi ni Wang, na alinsunod sa diwa ng pag-uusap sa telepono ng mga lider ng dalawang bansa, patuloy na magsisikap ang Tsina kasama ng panig Amerikano para mapalakas ang pagsasanggunian, mapalalim ang pag-uunawaan, magkaroon ng pokus ang kooeprasyon, at kontrolin ang pagkakaiba tungo sa pagpapasulong ng pagbalik ng bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa orbitang pangkooperasyon.
Ipinahayag din niya na kasalukuyang tinatasa, pinag-aaralan, at malalim na inaanalisa ng panig Tsino ang lahat ng probisyon ng Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP).
Bukod dito, nagkaroon na ng di-pormal na pakikipag-ugnayan ang panig Tsino sa ilang miyembro ng CPTPP, aniya pa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio