Sa news briefing sa Kabul nitong Martes, Setyembre 21, 2021, muling isinapubliko ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Afghan Taliban, ang listahan ng ilang miyembro ng pansamantalang pamahalaan, na kinabibilangan ng umaaktong ministro ng komersyo, umaaktong ministro ng kalusugang pampubliko, at ilang umaaktong pangalawang ministro.
Kabilang dito ay may maraming personahe ng mga etnikong grupo.
Ayon kay Mujahid, ang nasabing mga opisyal ay hinirang ni Hibatullah Akhundzada, Kataas-taasang Lider ng Afghan Taliban.
Walang ministri ng usapin ng mga kababaihan sa pansamantalang pamahalaan ng Taliban, at walang babaeng ministro rin.
Saad ni Mujahid, kinakailangan ng pansamantalang pamahalaan ang sapat na oras para resolbahin ang isyu ng edukasyon at hanap-buhay na may kinalaman sa kababaihan, at kailangang igarantiya muna ng pamahalaan ang seguridad ng kababaihan at babaeng kabataan.
Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na kilalanin ang pamahalaan ng Taliban.
Salin: Vera
Pulido: Mac