Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon

2021-09-23 14:12:44  CMG
Share with:

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923ani600

Nagsimula noong 2018, ang Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino ay unang pestibal para sa magsasaka sa antas ng estado.

Lubos at palagiang pinahahalagahan ng mga lider na Tsino ang mga gawaing pangkanayunan.

Hinggil dito, minsa’y ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na para umahon ang Nasyong Tsino, dapat i-ahon ang kanayunan.

Dapat aniyang walang patid na itaas ang kalidad ng pamumuhay ng malawak na masa ng mga magsasaka.

Ngayong araw, Setyembre 23 (Autumn Equinox sa Tradisyunal na Kalendaryo ng Tsina), 2021 ay ika-4 na Pestibal ng Pag-aani ng mga Magsasakang Tsino.

Sapul noong taong 2018, unti-unting nagiging kultural na kaugalian sa Tsina ang nasabing kapistahan, na nagsisilbing simbolo ng sibilisasyon ng pagsasaka at pagtatanim ng Nasyong Tsino, at pinto ng komprehensibong pagpapa-ahon ng kanayunan.

Sa kabilang dako, tulad ng Tsina, mayroong ding “Pestibal ng Pag-aani” sa Pilipinas at ito ay ang “Pestibal ng Pahiyas.”

Tuwing Mayo 15 kada taon, Pista ni San Isidro Labrador (Patron ng mga Magsasaka) ipinagdiriwang sa bayang Lucban, probinsyang Quezon ang nasabing kapistahan.

Ito ay upang ipagdiwang ang masaganang ani at ipagdasal ang susunod na panahon ng pagtatanim.

Bukod sa musikang mula sa banda, sayawan sa kalsada, bangkte at prosesyon ng imahe ni San Isidro Labrador, isinasabit ng mga magsasaka ang kanilang mga ani sa bintana, pintuan, at iba pang bahagi ng kanilang mga tahanan, kaya naman tinagurian itong “Pestibal ng Pahiyas.”

Ang kapistahang ito ay kilalang-kilala at marami tao mula sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan at bansa ang dumadalaw sa Lucban upang makisaya at makipagdiwang.

Narito ang mga litrato ng mga napakaligayang residente at napakagandang tanawin ng Pestibal ng Pahiyas.

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani11600

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani12600

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani9600

Sa araw na ito ng Pestibal ng Pag-ani, sana’y maging masagana ang bansang Tsina at Pilipinas, at mamuhay sa kapayapaan at kaligtasan ang mga mamamayang Tsino at Pilipino.

Captions:

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani1600

Noong Oktubre 26, 2019, nagkokompetisyon sa pag-ani ng palay ang mga magsasaka sa nayong Siji, probinsyang Jiangsu ng Tsina.

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani4600

Noong Setyembre 23, 2019, ipininta ng mga magsasaka sa lunsod Luoyang, probinsyang Henan ng Tsina, ang isang litrato ng pag-ani. Ito ay may habang pitong metro.

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani3600
(photo by Nian Lei / CFP.cn)

Noong Setyembre 29, 2019, inilatag sa malawak na lupain ang mga inaning sili sa Bayingol Mongolian Autonomous Prefecture ng Xinjiang.

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani7600

Noong Oktubre 24, 2017, inani ng mga magsasaka sa Dalian, probinsyang Liaoning ng Tsina, ang mga palay.

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani5600

Noong Hunyo 16, 2019, abala-abalang inihahatid sa Weihai, probinsyang Shandong ng Tsina, ng mga barko ang mga pagkaing-dagat.

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani2600

Noong Setyembre 29, 2019, sa Heihe, probinsyang Heilongjiang ng Tsina, iminamaneho ng mga magsasaka ang makinang pang-ani ng soybean.

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani6600

Noong Setyembre 12, 2018, sa Bundok Huang, probinsyang Anhui ng Tsina, ginamit ng mga residente ng nayong Chengkan ang mga inaning butil upang gawin ang isang obra hinggil sa pag-ani.

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani10600

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani14600

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani13600

Ika-4 na Pestibal ng Pag-ani ng mga Magsasakang Tsino, dumating na; Pahiyas Festival sa Lucban, probinsyang Quezon_fororder_20210923Ani8600

Noong Mayo 15, 2018, Lucban, probinsyang Quezon ng Pilipinas, Santa Krusan ng mga residente bilang pagdiriwang sa Pahiyas Festival.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method