91 anibersaryo ng kapanganakan ni Yuan Longping, sabay na ginunita ng Tsina at Pilipinas

2021-09-07 15:20:27  CMG
Share with:

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907Yuanpic600

Si Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural ay taga-De’an, probinsyang Jiangxi ng Tsina. Isinilang si Yuan noong Setyembre 7, 1930 sa Beijing. Nitong Mayo 22, 2021, pumanaw sa edad na 91 anyos, si Yuan Longping.

 

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907Yuanmagsasaka2600

 

Inialay ni Yuan ang kanyang buong buhay sa pag-aaral, paggamit at pagpapakilala sa hybrid rice technology, bagay na nakapagbigay ng kahanga-hangang ambag sa kaligtasan ng pagkain, pag-unlad ng siyensiyang agrikultural ng bansa, at pagsuplay ng pagkain sa buong mundo.

 

Upang maisakatuparan ang hangaring ito, sa mahabang panahon, nagsikap si Yuan para mapasulong ang inobasyon ng hybrid rice technology at palaganapin sa buong daigdig. Sa kasalukuyan, malawakang itinatanim ang hybrid rice strain na idinibelop ni Yuan sa mga bansang gaya ng Pilipinas, India, Bangladesh, Indonesia, Biyetnam, Amerika, at Brazil.

 

Tinawag si Yuan bilang“Ama ng Hybrid Rice” at ginawaran ng “Medal of the Republic”ng Tsina noong taong 2019.

 

Sa isang panayam noong buhay pa si Yuan, ipinahayag niya na maraming bansa ang kanyang napuntahan, ang Pilipinas ay ang kanyang pinakapaboritong bansa. Para kay Yuan, ang Pilipinas ay isang bansang may espesyal na kabuluhan.

 

Sa kanyang buong buhay, mahigit 30 beses na napuntahan ni Yuan ang Pilipinas, at lipos ang damdamin niya sa bansang ito.

 

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907Yuanmagsasaka1600

 

Pagkaraan ng maraming taong puspusang pag-aaral at pagsubok, ayon sa kapaligirang panlupa at kondisyon ng klima sa Pilipinas, noong unang dako ng taong 2001, sa paggamit ng hybrid rice technology ni Yuan, nahubog ng magkasanib na grupong Tsino at Pilipino ang tropical hybrid rice strain na SL-8H na angkop sa lupa at klima ng Pilipinas.

 

Ayon sa isang artikulong inilathala noong Setyembre ng 2019 ng Manila Times, sa paggamit ng hybrid rice variety na SL-8H, umabot sa 15.45 metric tons per hectare ang ani ng palay sa Pampanga. Sa panahong iyon, 4 metric tons lamang ang karaniwang ani ng palay sa Pilipinas.

 

Noong Setyembre 3, 2021, magkasamang idinaos ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) ang virtual Porum ng Kooperasyong Agrikultural ng Tsina at Pilipinas.

 

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907Yuan600

 

Dumalo rito sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, Gloria Macapacal Arroyo at Joseph Ejercito Estrada, kapwa dating Pangulo ng Pilipinas, William Dar, Kalihim ng Agrikultura ng Pilipinas, Henry Lim Bon Liong, Presidente ng FFCCCII, at iba pang mga personahe ng dalawang bansa para magkakasamang gunitain si Yuan at talakayin ang kooperasyong agrikultural ng Tsina at Pilipinas. Kalahok din sa online activity ang ilang daang kinatawan mula sa sirkulo ng pamahalaan, komersyo, agrikultura, at akademiya ng dalawang bansa.

 

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907Daer600

 

Sa ngalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, bumigkas ng talumpati sa nasabing virtual porum si William Dar. Aniya, nakikinabang ng malaki ang larangan ng palay at malawak na masa ng mga magsasakang Pilipino sa hybrid rice technology na idinebelop ni Yuan, at matatag na nakakapagpataas sa ani ng palay, nangangalaga sa kaligtasan ng pagkain, at nakakapagpabuti sa pamumuhay ng mga magsasakang Pilipino.

 

Dagdag niya, aalalahanin ng panig Pilipino ang ibinigay na ambag ni Yuan, at nakahanda itong palalimin ang pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa larangang agrikultural para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

 

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907HuangXilian600

 

Ipinahayag naman ni Huang Xilian na may espesyal na damdamin si Yuan sa Pilipinas, at mahigit 30 beses na napuntahan ni Yuan ang Pilipinas.

 

Sinabi niya na ang proseso ng pagpapasulong ni Yuan sa pagpasok ng hybrid rice technology ng Tsina sa Pilipinas ay sagisag ng kooperasyong agrikultural ng Tsina at Pilipinas nitong ilampung taong nakalipas.

 

Aniya, noong taong 2016, lumagda ang Tsina at Pilipinas sa “Plano ng Aksyon ng Kooperasyong Agrikultural ng Tsina at Pilipinas.” Sa kasalukuyan, napakabilis na umuunlad ang ganitong kooperasyong Sino-Pilipino, dagdag niya.

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907Arroyo500

 

Ipinahayag din sa porum ni Arroyo ang kanyang pasasalamat sa ibinigay na patnubay ni Yuan sa mga kaukulang mananaliksik ng Pilipinas.

 

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907YuanArroyo600

 

Umaasa aniya siyang sa hinaharap, isasagawa ng Pilipinas at Tsina ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mas maraming larangang agrikultural upang makapagbigay ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

 

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907Estrada600

 

Ipinahayag naman ni Estrada na ang de-kalidad na tropical hybrid rice na idinebelop ni Yuan, ay nakakapagbigay ng positibo at pangmalayuang impluwensiya sa produksyon at pamumuhay ng mga magsasakang Pilipino.

 

Ngayong araw sa kasaysayan: Setyembre 7, 1930, kapanganakan ni Yuan Longping, bantog na siyentistang agrikultural; Tsina at Pilipinas, sabay na ginunita si Yuan_fororder_20210907palay600

 

“Salamat sa hybrid rice technology ni Yuan, nagdoble ang ani ng ating palayan. Sa lahat ng sandali ng pagtatanim at pag-aani, ramdam kong magkasama kami. Mapagkailanma’y mananatili sa ating ala-ala si Yuan.” Sabi ng isang magsasakang Pilipino na si Danilo Bolos.


Salin/Patnugot: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method