Ayon sa Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, hanggang sa kasalukuyan, inaangkat ng Tsina ang halos 1,500 uri ng produktong agrikultural at pagkain mula sa sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Nitong ilang taong nakalipas, dumarami nang dumarami ang mga inaaangkat na produktong agrikultural ng Tsina mula sa mga bansang ASEAN. Noong unang 8 buwan ng kasalukuyang taon, lumaki ito ng 41.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ipinahayag ni Wang Lingjun, Pangalawang Puno ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na ang kooperasyong Sino-ASEAN sa pagkuwarantina sa mga hayop at halaman at kaligtasan ng pagkain, ay mahalagang larangan ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng kapwa panig. Sa aspekto ng pagpapasulong ng kalakalan ng dalawang panig, partikular sa paglaki ng kalakalan ng mga produktong agrikultural, napapatingkad nito ang positibong papel, aniya pa.
Salin: Lito
Pulido: Mac
RMB300 bilyong halaga ng nalagdaang kontrata sa Ika-18 CAExpo, lumikha ng bagong rekord
CMG Komentaryo: Masiglang kooperasyong Sino-ASEAN, malakas na tugon sa panunulsol na panlabas
Kooperasyong Sino-ASEAN sa koryente, walang humpay na lumalawak
Relasyong Sino-ASEAN, mahalagang puwersang tagapagpasulong sa rehiyong Silangang Asyano