Xi Jinping: pagtatanggol sa Komunistang pangangasiwa, angkop sa komong interes ng Tsina at Biyetnam

2021-09-24 15:25:03  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono ngayong araw, Setyembre 24, 2021 nina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, sinabi ni Xi, na ang pagtatanggol sa Komunistang pangangasiwa at sosyalistang sistema ay pinakasaligang komong kapakang estratehiko ng Tsina at Biyetnam.
 

Aniya, dapat palakasin ng kapuwa panig ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, tutulan ang pagsasapulitika ng origin-tracing ng coronavirus, ipatupad ang tunay na multilateralismo, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Inihayag naman ni Nguyen ang kahandaan ng kanyang partido na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa CPC, pahigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang pagpapalitan ng karanasan sa pangangasiwa sa partido at bansa, at pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, paglaban sa pandemiya, people-to-people exchanges at iba pa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method