Inilabas ngayong araw, Setyembre 24, 2021, ng Ministring Panlabas ng Tsina ang listahan ng mga ginawang pakikialaam ng Amerika sa mga suliranin ng Hong Kong at pagsuporta sa mga puwersang kontra Tsina at nanggugulo sa Hong Kong.
Nakalakip sa listahan ang mahigit 100 entri tungkol sa naturang mga gawain ng Amerika.
Kaugnay nito, sinabi ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga suliranin ng Hong Kong at Macao at Tanggapan ng Ministring Panlabas sa Hong Kong, na ang naturang listahan ay bilang tugon sa pagpapalabas ng panig Amerikano sa umano'y "Hong Kong business advisory" at pagpapataw ng sangsyon laban sa mga opisyal sa Hong Kong.
Ipinakikita rin nito ang matatag na determinasyon at malakas na mithiin ng panig Tsino para ipagtanggol ang soberanya, katiwasayan, at interes sa pag-unlad ng bansa, at pangangalaga sa kasaganaan at katatatagan ng Hong Kong, dagdag ng nabanggit na dalawang kagawaran.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan