Muling inihayag nitong Lunes, Setyembre 13, 2021 ni Fumio Kishida, dating Ministrong Panlabas at kandidato sa pagkapangulo ng Liberal Democratic Party (LDP) ng Hapon, na itatayo ang mga posisyon sa pamahalaang Hapon na mamamahala sa mga isyu ng karapatang pantao, kabuhayan at seguridad, para labanan ang Tsina.
Nauna rito, inihayag naman ni Takaichi Sanae, dating Ministro ng mga Suliraning Panloob at Komunikasyon, na kung maihahalal siya bilang presidente ng LDP, patuloy siyang magbibigay-galang sa Yasukuni Shrine.
Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagian at malinaw ang paninindigan ng kanyang bansa sa Yasukuni Shrine, at hinding-hinding pinahihintulutan ang pakikialam ng puwersang dayuhan sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Aniya, dapat itigil ng mga pulitikong Hapones ang pagsasangkalan sa Tsina, dahil walang katuturan ang ganitong politikal na pagmamani-ubra.
Salin: Vera
Pulido: Rhio