Serye ng kampanyang pang-media kaugnay ng COP15, sinimulan sa Beijing

2021-09-27 16:14:18  CMG
Share with:

Sa okasyon ng 15-araw na countdown ng pagbubukas ng Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties of the United Nations Convention on Biological Diversity (COP15) nitong Linggo, Setyembre 26, 2021, sinimulan sa Beijing ang isang serye ng kampanyang pang-media tungkol dito.

Serye ng kampanyang pang-media kaugnay ng COP15, sinimulan sa Beijing_fororder_20210927COP151

Ayon sa plano, mula kahapon hanggang Abril ng susunod na taon, tuluy-tuloy na ilulunsad ng 25 media, organo ng public welfare, plataporma ng internet, at may-kaugnayang kompanya ang iba’t-ibang porma ng kampanya, para tulungan ang mga mamamayan na maunawaan ang hinggil sa biodiversity, at makisangkot sa praktika ng pangangalaga sa biodiversity.

Serye ng kampanyang pang-media kaugnay ng COP15, sinimulan sa Beijing_fororder_20210927COP152

Sa seremonya ng pagsisimula, sinabi ni Huang Runqiu, Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na layon ng nasabing mga kampanya na ibayo pang pataasin ang kamalayan ng publiko sa sibilisasyong ekolohikal at siyensiyang pangkapaligiran, at pasulungin ang magkasamang pagtatatag ng komunidad ng daigdig na may pinagbabahaginang kapalaran.
 

Idaraos mula Oktubre 11 hanggang Oktubre 15, sa lunsod Kunming, lalawigang Yunnan, dakong timog ng Tsina ang unang yugto ng pulong ng COP15.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method