Selebrasyon ng Pestibal ng Gitnang Taglagas ng isang pamilyang Tsino

2021-09-28 14:56:14  CMG
Share with:

 

 

Sa video na ito, ibabahagi namin sa inyo kung paano ipinagdiriwang ng isang karaniwang pamilyang Tsino ang Pestibal ng Gitnang Taglagas o Mid-Autumn Festival, na mas kilala sa Pilipinas bilang Mooncake Festival.

 

Ang Mooncake Festival na kung tawagin sa wikang Tsino ay 中(zhōnɡ)秋(qiū)节(jié) ay natatapat sa ika-15 araw ng ikawalong buwan ng Tradisyunal na Kalendaryong Tsino o Nong Li.

 

Ipinagdiwang ang Pestibal ng Gitnang Taglagas sa Setyembre 21 sa taong 2021. 

 

Tulad ng mga Pilipino, tuwing sasapit ang mga pestibal, kadalasang nagtitipun-tipon, nagsasalu-salo at nagkukuwentuhan ang buong pamilya ng mga Tsino.

 

Dagdag pa sa pagsasalu-salo, isa pang mahalagang kaugalian sa pistang ito ay pagkain ng mooncake.

 

Ang kasaysayan ng mooncake ay nagsimula noong Dinastiyang Song (960AD-1279AD).

 

Ang mooncake noong sinaunang panahon sa Tsina ay ginagamit bilang isa sa mga alay sa Diyosa ng Buwan.

 

Nang lumaon, ito ay naging isang pagkaing pampestibal hanggang sa kasalukuyan.

 

May ibat-ibang lasa ang mooncake, maalat man o matamis.

 

Ang huli pero importanteng aktibidad sa Mooncake Festival ay ang pagmamasid at paghanga sa bilog na buwan.

 

Script/Video: Kulas Wang

Pulido sa teksto: Rhio/Jade

Music courtesy: 梧桐咖啡馆 - FYNial

Patnugot sa website: Jade 

Please select the login method