Tsina, tutol sa lahat ng power politics at hindi natatakot sa anumang panggigipit—Wang Yi

2021-09-28 11:57:01  CMG
Share with:

Inihayag nitong Lunes, Setyembre 27, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa mula’t mula pa’y tinututulan ng Tsina ang lahat ng power politics, at hindi natatakot sa anumang panggigipit.
 

Winika ito ni Wang sa kanyang pakikipag-usap sa telepono sa kanyang Venezuelan counterpart na si Felix Plasencia.

Tsina, tutol sa lahat ng power politics at hindi natatakot sa anumang panggigipit—Wang Yi_fororder_20210928WangYiMeng

Aniya, buong tatag ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino, at hinding hindi yuyukod dito.
 

Nananalig aniya siyang parami nang paraming bansa ang tututol sa iba’t ibang ilegal na sangsyong unilateral, long arm jurisdiction at political frame-up, magkasamang mangangalaga sa katarungan ng daigdig, at ipagtatanggol ang pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.
 

Sinabi naman ni Plasencia na tinututulan ng kanyang bansa ang anumang unilateral na sangsyon laban sa mga indibiduwal at kompanyang Tsino.
 

Aniya, ikinasisigla at ikinasisiya niya ang matatag na paninindigan ng panig Tsino sa kaso ni Meng Wanzhou.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method