Isinapubliko kahapon, Setyembre 29, 2021 ang resulta ng ika-2 round ng botohan sa halalang pampangulo ng Liberal Democratic Party (LDP) ng Hapon.
Si Fumio Kishida ay nahalal bilang bagong presidente ng LDP.
Kaugnay nito, inihayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Palabas ng Tsina ang kahandaan ng panig Tsino na sundin, kasama ng bagong grupo ng administrasyon ng Hapon, ang iba’t ibang simulain at diwang natiyak sa apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones, tungo sa tamang landas.
Salin: Vera
Pulido: Mac