Pag-unlad ng Tsina, isinusulong ng reporma’t pagbubukas

2021-10-01 16:05:31  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga bagong diplomatang dayuhan mula sa 28 bansa nitong Huwebes, Setyembre 30, 2021, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sumusulong  ang pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng reporma’t pagbubukas sa labas, at nakahanda itong  palalimin ang pagpakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa iba pang mga bansa, lalo na sa pagtugon sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapanumbalik ng kabuhayan ng daigdig.

 

Pag-unlad ng Tsina, isinusulong ng reporma't pagbubukas

Si Premyer Li Keqiang (kanan) , kasama ang Embahador ng  Brunei sa Tsina na si  Pehin Rahmani sa Great Hall of the People, Beijing

 

Umaasa ani Li ang Tsina na gaganapin ng mga diplomata ang kanilang papel para mapasulong ang relasyon ng kani-kanilang bansa sa Tsina.

 

Para rito, kakatigan at pagiginhawahin aniya ng Tsina ang kanilang panunungkulan sa bansa.

 

Kinikilala naman ng mga sugong dayuhan ang ginagawang pagsisikap ng Tsina para sa katatagan, kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.

 

Nananalig silang ipagkakaloob ng  Tsina ang mas maraming pagkakataon para sa daigdig at nakahanda silang gumanap ng karapat-dapat na papel sa pagpapasulong ng mapagkaibigang pagtutulungan.

 

Pagkaraan ng pagtatagpo, inanyayahan ni Premyer Li ang mga diplomata sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Larawan: Xinhua

Please select the login method