Sa ika-48 sesyon ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations (UNHRC) na idinaraos sa Geneva, nagtalumpati kahapon, Setyembre 24, 2021, ang Pakistan, sa ngalan ng 65 bansa, at ipinagdiinang ang mga suliranin ng Hong Kong, Xinjiang at Tibet ay mga suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat ito pakialaman ng ibang panig.
Pagkaraan nito, kinapanayam ng China Media Group ang mga pirmihang kinatawang nakatagala sa Geneva ng Venezuela at Belarus, dalawang bansang kalahok sa naturang talumpati.
Kaugnay nito, sinabi ng dalawang kinatawan, na ang paggalang sa soberanya, pagsasarili, at kabuuan ng teritoryo ng iba't ibang bansa, at hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, ay saligang norma sa relasyong pandaigdig.
Anila, kinokondena ng kani-kanilang bansa ang paggamit ng Amerika, Kanada, Britanya, at Unyong Europeo, ng isyu ng karapatang pantao bilang pangangatwiran at sandatang pulitikal, para manghimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos