Pagbabayad ng Tsina sa buong UN peacekeeping assessments, matatag ng suporta sa multilateralismo

2021-10-01 15:52:04  CMG
Share with:

Sa panahon ng Ika-76 United Nations General Assembly (UNGA), inilabas nitong Huwebes, Setyembre 30, 2021 ng Pirmihang Misyon ng Tsina sa UN ang pahayag hinggil sa pagbabayad sa buong halaga ng assessments nito sa mga operasyong pamayapa ng UN.
 

Ayon sa pahayag, buo at minsanan lamang na binayaran ng Tsina ang lahat ng assessments nito sa 12 operasyong pamayapa ng United Nations Security Council (UNSC) kaugnay ng mandated period na hanggang katapusan ng 2021.
 

Anang pahayag, bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, pirmihang kasaping bansa United Nations Security Council (UNSC) at ika-2 pinakamalaking bansang nagbabayad ng membership dues at peacekeeping assessments ng UN, laging napapanahon, sapat at walang pasubaling tinutupad ng Tsina ang obligasyong pinansyal sa UN.
 

Sa kasalukuyang pagharap ng  UN sa multipleng hamong gaya ng pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at mga kaguluhang panrehiyon, at ang pagbabayad nang sapat ng Tsina sa peacekeeping assessments ay muling nagpapakita ng matatag na suporta ng bansa sa mga usapin ng UN at multilateralismo, dagdag ng pahayag.
 

Ayon pa rito, buong tatag na ipagtatanggol at ipapatupad ng Tsina, tulad ng dati, ang multilateralismo, at pangangalagaan ang simulain ng Karta ng UN.
 

Ipinanawagan din ng pahayag na walang humpay na pabutihin ang kalagayang pinansyal ng UN, palakasin ang pangangasiwa, at suportahan ang pagpapatingkad nito ng mas malaking papel para sa pagharap sa mga hamong pandaigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method