Apatnapu’t isang (41) ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Biyernes, Oktubre 1, ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina.
Kabilang dito, 39 ang mula sa labas ng bansa, at dalawa naman ang domestikong kaso.
Bukod dito, walang bagong naiulat na pumanaw at wala ring bagong pinaghihinalaang kaso.
Hanggang Oktubre 1, 2021, walong daa’t siyamnapu (890) ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland at kabilang dito ang apat na matinding kaso.
Samantala, may 28,697 close contact na kasalukuyang napapasailalim sa medikal na obserbasyon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio