Nitong Linggo, Setyembre 26, 2021, dumating ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang panibagong batch ng tatlong milyong dosis ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na binili ng bansa mula sa kompanyang Sinovac ng Tsina.
Sa panayam sa paliparan, sinabi ni Kalihim Carlito Galvez Jr., Vaccine Czar at Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, na ang bagong-dating na mga bakuna ay ipamamahagi sa mga rehiyon, probinsya at sa Metro Manila para gamitin sa ikalawang pagturok.
Sinabi pa niyang nakatakda ding ihatid sa bansa ang karagdagang 2.5 milyong dosis ng Sinovac bago dumating ang unang araw ng Oktubre.
Dagdag pa niya, kapag may sapat na dosis at sapat na bilang ng mga mamamayan ang naturukan na ng bakuna, pag-iisipan ng pamahalaan ang posibilidad ng pag-iiniksiyon sa mga kabataang may edad mula 12 hanggang 17.
Salin: Lito
Pulido: Mac
Photo Courtesy: NTF against COVID-19
Karagdagang 2 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, dumating ng Pilipinas
Tsina, magkakaloob ng 110 milyong dosis ng bakuna sa COVAX bago ang katapusan ng Oktubre
Karagdagang 3 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas
Pilipinas, tinanggap ang karagdagang 2 milyong bakuna ng Sinovac mula sa Tsina
Karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas