Pilipinas at Tsina, palalakasin ang kooperasyon kontra COVID-19

2021-09-28 16:28:58  CMG
Share with:

Sa online reception bilang pagdiriwang sa ika-72 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina kahapon, Setyembre 27, 2021, pinasalamatan ni Teodoro Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang ibinigay na tulong ng Tsina.

Pilipinas at Tsina, palalakasin ang kooperasyon kontra COVID-19_fororder_20210928TsinaPilipinas2

Aniya, bilang isa sa mga pinakamalaking trade at investment partner ng Pilipinas, ang Tsina ay mapagkakatiwalaang tagasuporta ng "Build, Build, Build" infrastructure program ng pamahalaang Pilipino.
 

Sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), unang ipinagkaloob ng Tsina aniya ang mga importanteng materyal at kagamitang medikal sa Pilipinas, ipinadala ang mga dalubhasa para ibahagi ang kani-kanilang karanasan sa paglaban sa pandemiya, at ibinigay ang mga bakuna.
 

Maaaring maka-asa ang Pilipinas sa tulong ng Tsina, para mapabilis ang pagbangon ng sariling kabuhayan, dagdag niya.

Pilipinas at Tsina, palalakasin ang kooperasyon kontra COVID-19_fororder_20210928TsinaPilipinas1

Sa kanya namang talumpati sa resepsyon, sinabi ni Huang Xilian, Embahador na Tsino sa Pilipinas, na noong isang buwan, muling nag-usap sa telepono ang mga pangulo ng dalawang bansa, bagay na nagpatnubay ng direksyon para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa hinaharap.

Pilipinas at Tsina, palalakasin ang kooperasyon kontra COVID-19_fororder_20210928TsinaPilipinas3

Pilipinas at Tsina, palalakasin ang kooperasyon kontra COVID-19_fororder_20210928TsinaPilipinas4

Nakahanda aniya ang panig Tsino na magkakapit-bisig na umabante, kasama ng mga mamamayang Pilipino, ibahagi ang mga bungang pangkaunlaran, at magkasamang likhain ang magandang kinabukasan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Litrato: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas

Please select the login method