Suplay ng enerhiya, dapat puspusang igarantiya ng mga sentral na bahay-kalakal

2021-10-03 16:01:19  CMG
Share with:

Isinagawa kamakailan ng State Asset Supervision and Administration Commission (SASAC) ng Konseho ng Estado ng Tsina ang plano hinggil sa gawain ng mga sentral na bahay-kalakal sa paggarantiya sa suplay ng koryente, karbon at heating sa darating na taglamig ng taong ito at tagsibol ng susunod na taon.
 

Hiniling ng SASAC sa mga sentral na bahay-kalakal na dapat igarantiya sa abot ng makakaya ang pagkabalanse ng koryente, at aktibong makipagkoordina sa mga pamahalaang lokal para mapabuti ang plano sa maayos na paggamit ng koryente.
 

Ayon sa SASAC, sa mula’t mula pa’y dapat ipauna ng nasabing mga bahay-kalakal ang ligtas na produksyon, at komprehensibong palakasin ang pangangasiwa sa seguridad.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Lito

Please select the login method