CMG Komentaryo: Kooperasyong pang-enerhiya, makakabuti sa Tsina at daigdig

2020-12-24 11:40:49  CMG
Share with:

Ayon sa White Paper "Pag-unlad ng Enerhiya sa Tsina sa Bagong Panahon," na inilabas nitong Disyembre 21, 2020, buong tatag na pasusulungin ng Tsina ang reporma sa enerhiya; igigiit ang bagong ideya ng pag-unlad sa inobasyon sa enerhiya; at palalakasin ang koordinasyon, berde, bukas at pagbabahaginan ng kaalaman.

 

Anang dokumento, ang Tsina ay nagtamo ng pangkasaysayang bunga sa pag-unlad sa enerhiya, at pumasok na sa bagong yugto ng pag-unlad ang enerhiya na may mataas na kalidad ng bansa.

 

Sinabi pa sa white paper, na sa harap ng mga mahigpit na hamon sa daigdig na tulad ng pagbabago ng klima, nananangan ang Tsina sa ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, at aktibo itong nakikisangkot sa pagsasa-ayos ng enerhiya ng daigdig.

 

Anito pa, ang pag-unlad ng enerhiya sa Tsina sa bagong panahon ay magkakaloob ng malakas na suporta para sa malusog na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, kaligtasan ng enerhiya ng mundo at paglaki ng kabuhayan ng buong daigdig.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method