Sa pamamagitan ng video link, binuksan sa Roma, Italya Oktubre 1, 2021 (local time) ang unang World Food Forum.
Pinagtipun-tipon nito ang mga kabataan mula sa iba’t-ibang larangan upang hikayatin silang pasulungin ang transpormasyon ng sistemang agrikultural at isakatuparan ang sustenableng pag-unlad, partikular ang pagsusulong sa hangaring pagpuksa sa gutom.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Qu Dongyu, Direktor-Heneral ng United Nations (UN) Food and Agriculture Organization (UNFAO), na layon ng nasabing porum na pakinggan ang tinig ng mga kabataan at bigyan sila ng kapangyarihan at misyon upang makalikha ng mas masaganang kinabukasan ng pagkain.
Salin: Lito
Pulido: Rhio