Hiniling ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan sa iba’t-ibang bansa na muling buksan ang kani-kanilang mga pasuguan sa Kabul.
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga embahador mula sa Tsina, Rusya, at Pakistan nitong nagdaang Huwebes, Setyembre 30, sinabi ni Mullah Abdul Ghani Baradar, Acting First Deputy Prime Minister na ninanais ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan na panatilihin ang magandang relasyon sa lahat ng bansa.
Si Mullah Abdul Ghani Baradar (file photo)
Kung may anumang problema ang alinmang bansa, nakahandang makipagkonsultasyon ang Afghanistan upang malutas ang mga ito sa pamamagitan ng pagkakaunawaan, dagdag pa ni Baradar.
Diin niya, walang anumang patakaran ang pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan na makakapinsala sa iba pang mga bansa.
Lumahok din sa naturang pulong ang umaaktong ministrong panlabas na si Amir Khan Muttaqi.
Salin: Jade
Pulido: Rhio