“Nararapat at tiyak na maisasakatuparan ang makasaysayang tungkulin ng ganap na unipikasyon ng bansa.”
Ito ang winika ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pulong bilang paggunita sa ika-110 anibersaryo ng 1911 Rebolusyon noong Sabado, Oktubre 9, 2021, bagay na nagpapakita ng matatag na determinasyon sa patatanggol sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Ang pagsasakatuparan ng ganap na unipikasyon ng inangbayan ay pundamental na kapakanan ng Nasyong Tsino, di-tapos na usapin ng 1911 Rebolusyon.
Iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina at ito ang unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Para sa magkabilang pampang ng Taiwan Straits, ang pagsasakatuparan ng unipikasyon ng bansa sa mapayapang paraan ay pinaka-angkop sa kabuuang kapakanan ng Nasyong Tsino na kinabibilangan ng mga kababayang Taiwanes.
Ngunit, lantarang nilalabag ng puwersang “naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan” ang prinsipyong “Isang Tsina” at “1992 Consensus.”
Bukod pa riyan, may intensyon din silang sirain ang proseso ng mapayapang unipikasyon ng magkabilang pampang.
Higit pa riyan, sapul nang umakyat sa poder ang kasalukuyang awtoridad ng Taiwan, puspusan itong nakikipagsabwatan sa panig Amerikano upang pinsalain ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Hindi ipinangako ng Tsina na hindi ito gagamit ng dahas, at inire-reserba ang opsyon ng pagsasagawa ng lahat kung kinakailangan.
Nakatuon ito sa panghihimasok ng puwersang panlabas, mga separatistang “naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan,” at kanilang mga separatistang aksyon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio