Bilang tugon sa pagbangga kamakailan ng nuclear submarine ng Estados Unidos sa di-matukoy na bagay sa South China Sea, sinabi ng dalubhasang militar ng Rusya na si Ivan Konovalov, na ang mga bapor at submarino na itinalaga ng Amerika sa rehiyong Asya-Pasipiko ay madalas na bumabangga sa iba’t ibang bagay at bapor na pansibil, at nagdulot ito ng kasuwalti at nakatawag ng pagpuna ng daigdig.
Kaugnay nito, sa regular na preskon nitong Lunes, Oktubre 11, sinabi ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinahayag na ng panig Tsino ang katulad na pagkabahala sa naturang aksidente.
Si Zhao Lijian
Dagdag pa ni Zhao, limang araw pagkatapos ng insidente, hindi malinaw ang pahayag ng Amerika kaugnay ng insidente. Ang ganitong iresponsableng pakikitungo at pagtatakip ay nagpupukaw ng hinala sa intensyon ng Amerika at mga detayle ng aksidente.
Kailangan pa ani Zhao ng Amerika na sagutin ang tatlong tanong.
Una, saan nangyari ang aksidente? Ikalawa, nauwi ba ang aksidente ng pagtagas na nuklear at pagdumi ng kapaligirang pandagat? Ikatlo, makakaapekto ba ang aksidente sa kaligtasang pangnabigasyon at pangingisda sa lugar na pinangyarihan?
Salin: Jade
Pulido: Mac