Tsina sa Amerika: Ipaliwanag ang insidente ng pagbangga ng nuclear-powered submarine nito sa di-matukoy na bagay sa SCS

2021-10-09 15:52:25  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagbangga kamakailan ng isang nuclear-powered submarine ng Amerika sa di-matukoy na bagay sa South China Sea (SCS), inihayag kahapon, Oktubre 8, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang malubhang pagkabahala ng panig Tsino sa nasabing aksidente.
 

Aniya, dapat detalyadong ipaliwanag ng panig Amerikano ang kaukulang kalagayan ng aksidenteng ito, na kinabibilangan ng eksaktong lugar ng pinangyarihan ng aksidente, intensyon ng paglalayag ng panig Amerikano, detalye ng aksidente, bagay na binangga nito, kung may pagsingaw na nuklear, kung nakasira o hindi sa kapaligirang pandagat sa lokalidad, at iba pang impormasyon.
 

Saad ni Zhao, sa katwiran ng umano’y kalayaan sa paglalayag, matagal na panahon na nang nanggugulo ang Amerika sa South China Sea. Ito aniya ay hindi lamang pinag-ugatan ng naturang aksidente, kundi grabeng nagsasapanganib din sa kapayapaan at katatag ng rehiyon.
 

Dagdag niya, sinadyang inantala at inilihim ng panig Amerikano ang pagsasapubliko ng mga detalye ng aksidenteng ito, kaya walang magawa kundi pagdudahan ng Tsina at mga bansa sa paligid ng karagatang ito ang katotohanan ng pangyayaring ito at tunay na intensyon ng Amerika.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method