Pagpapalit ng RMB sa loob ng Myanmar, lehitimo na!

2021-10-13 16:16:42  CMG
Share with:

Ipinatalastas kahapon, Oktubre 12, 2021 ng Bangko Sentral ng Myanmar na mula sa araw na ito, maaari nang direktang ipagpalit ang Chinese Yuan Renminbi (RMB) sa mga awtorisadong dealer licensed bank, money changer licensed bank at non-bank money changer sa loob ng bansa.
 

Samantala, maaari ring ipagpalit ang Japanese Yen sa mga kaukulang bangko at non-bank money changer.
 

Nauna rito, inaprobahan ng Myanmar ang lehitimong pagpapalit ng mga salaping gaya ng US Dollar, Euro, Singapore Dollar, Thai Baht at Malaysian Ringgit.
 

Matatandaang simula noong Enero 2019, itinuturing ng Bangko Sentral ng Myanmar ang Chinese RMB at Japanese Yen bilang mga official settlement currency, para mapasulong ang international payment at settlement, at pag-unlad ng kalakalang panghanggahan ng bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method