CMG Komentaryo: Tsina, mag-aambag sa pagtatatag ng komunidad ng lahat ng buhay sa Mundo

2021-10-13 16:46:24  CMG
Share with:

 

CMG Komentaryo: Tsina, mag-aambag sa pagtatatag ng komunidad ng lahat ng buhay sa Mundo_fororder_VCG111352841721

 

“Ang pangangalaga sa biyolohikal na dibersibidad ay nakakatulong sa pagprotekta sa tahanang Mundo at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng sangkatauhan.”

 

Ito ang inilahad Martes, Oktubre 12, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa Summit ng mga Lider ng Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity (COP15), sa Kunming, lalawigang Yunnan, sa dakong timog ng Tsina.

 

Isinalaysay ni Xi kung anong tahanang Mundo ang maaaring itatag, paano itatatag, at anu-ano ang i-aambag ng Tsina para rito.

 

Panawagan niya, itayo ang tahanang Mundo kung saan may harmonyang nakikipamuhayan ang tao at kalikasan, sabay na umuunlad ang kabuhayan at kapaligiran, at sama-samang sumusulong ang iba’t-ibang bansa ng daigdig.

 

Para maisakatuparan ang naturang target, batay sa pagsisikap at karanasan ng Tsina, inihain ni Pangulong Xi ang apat na mungkahi.

 

Una, koordinahin ang ugnayan ng tao at kalikasan sa pamamagitan ng pagpapasulong ng sibilisasyong ekolohikal. Ikalawa, tupdin ang sustenableng pag-unlad ng daigdig sa pamamagitan ng berdeng pag-unlad. Ikatlo, pasulungin ang katuwiran at katarungang panlipunan na nakasentro sa kapakinabangan ng mga mamamayan. Ikaapat, pangalagaan ang makatuwiran at pantay-pantay na pandaigdig na sistema ng pangangasiwa, alinsunod sa mga pandaigdig na batas.

 

Kabilang sa pambansang estratehiya ng Tsina ang pagprotekta sa biyolohikal na dibersibidad.

 

Kaugnay ng pagsisikap at mga natamong bunga hinggil dito, nabanggit ni Xi ang paglalakbay kamakailan ng mga elepante mula sa lalawigang Yunnan, at ligtas nilang pagbalik sa lugar na ito.

  

CMG Komentaryo: Tsina, mag-aambag sa pagtatatag ng komunidad ng lahat ng buhay sa Mundo_fororder_VCG111333509822

 

Kasabay nito, lampas sa 70 milyong hektarya ang saklaw ng bagong dagdag na kagubatan ng Tsina nitong 10 taong nakalipas, na nangunguna sa daigdig.

 

Naitakda rin ng Tsina ang tinaguriang “ecological conservation red lines” sa buong bansa para kilalanin at protektahan ang mahahalagang sonang ekolohikal.

 

CMG Komentaryo: Tsina, mag-aambag sa pagtatatag ng komunidad ng lahat ng buhay sa Mundo_fororder_1310192064_16318017473361n

 

CMG Komentaryo: Tsina, mag-aambag sa pagtatatag ng komunidad ng lahat ng buhay sa Mundo_fororder_1310192064_16318017473341n

 

Kumikilos din ang Tsina para pangalagaan ang biodibersidad ng daigdig.

 

Sa naturang summit, upang tulungan ang mga umuunlad na bansa sa pangangalaga sa biyolohikal na dibersibidad, ipinatalastas ni Xi na ilalaan ng Tsina ang 1.5 bilyong yuan RMB (mahigit USD $230 million) para pasinayaan ang Kunming Biodiversity Fund.

 

Bukod dito, bubuuin din aniya ng Tsina ang sistema ng mga protektadong lugar na nagtatampok sa mga pambansang parke. 

 

CMG Komentaryo: Tsina, mag-aambag sa pagtatatag ng komunidad ng lahat ng buhay sa Mundo_fororder_1310192064_16318017473351n

CMG Komentaryo: Tsina, mag-aambag sa pagtatatag ng komunidad ng lahat ng buhay sa Mundo_fororder_da02106be65e446f863eda598dd27514

 

Dagdag ni Xi, paiiralin ng bansa ang "1+N" policy framework para maisakatuparan ang target ng carbon peak at carbon neutrality.

 

Tulad ng sabi ni Xi, kung hindi bibiguin ng tao ang kalikasan, hindi rin bibiguin ng kalikasan ang tao, at ang ekolohikal na sibilisasyon ay sumasalamin sa tunguhin ng kalinangan ng tao.

 

Nakahanda ang Tsina na samantalahin ang kasalukuyang pulong ng  COP15 para walang patid na magpunyagi tungo sa pagtatatag ng komunidad ng lahat ng buhay sa Mundo.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method