Inihayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang sistema ng kongresong bayan ay magandang sistema na angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa, at nagbibigay ng garantiya sa pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Ito aniya ay panibagong sistemang pulitikal na may mahalagang katuturan sa kasaysayan ng pag-unlad ng pulitika ng Tsina, maging ng buong mundo.
Diin ni Xi, dapat igiit ang landas ng pag-unlad ng sosyalistang pulitika na may katangiang Tsino, kumpletuhin ang sistema ng kongresong bayan, at walang humpay na paunlarin ang whole-process people's democracy, o buong proseso ng demokrasya ng bayan.
Winika ito ni Xi sa central conference hinggil sa mga gawaing may kinalaman sa kongresong bayan na ginanap sa Beijing mula Oktubre 13 hanggang Oktubre 14.
Salin: Vera
Pulido: Rhio