Video meeting ng pangulong Tsino at chancellor na Aleman, ginanap

2021-10-14 15:22:54  CMG
Share with:

Ginanap nitong Miyerkules, Oktubre 13, 2021 ang video meeting sa pagitan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.
 

Sinariwa ng kapuwa panig ang pag-unlad ng relasyong Sino-Aleman at Sino-Europeo nitong nakalipas na ilang taon, at malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa mga kaukulang isyu.

Video meeting ng pangulong Tsino at chancellor na Aleman, ginanap_fororder_20211014TsinaAlemanya1

Binigyan ni Xi ng positibong pagtasa ang ginawang ambag ni Merkel sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Aleman at Sino-Europeo sa loob ng kanyang termino.
 

Umaasa aniya siyang patuloy na pahahalagahan at susuportahan ni Merkel ang pag-unlad ng nabanggit na mga relasyon.
 

Saad ni Xi, sa mula’t mula pa’y tinitingnan ng panig Tsino ang relasyong Sino-Aleman, sa estratehiko’t pangmalayuang pananaw.
 

Nakahanda aniyang panatilihin ng panig Tsino ang pakikipagpalitan sa panig Aleman sa mataas na antas, pahigpitin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan, malalimang pasiglahin ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng kapuwa panig sa mga tradisyonal na larangan, at aktibong paunlarin ang mga bagong larangan ng pragmatikong kooperasyon na gaya ng pagbabago ng enerhiya, berde’t didyital na ekonomiya at iba pa.

Video meeting ng pangulong Tsino at chancellor na Aleman, ginanap_fororder_20211014TsinaAlemanya2

Tinukoy pa ni Xi na kapuwa nananangan ang panig Tsino’t Europeo sa pangangalaga sa multilateralismo, kumakatig sa liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, at nananalig sa mas malaking pagtutulungan kaysa kontradiksyon at alitan.
 

Umaasa ang Pangulong Tsino, na igigiit ng panig Europeo ang pagsasarili, tunay na pangangalagaan ang sariling kapakanan ng Unyong Europeo (EU) at pagkakaisa ng komunidad ng daigdig, at magpupunyagi, kasama ng panig Tsino, para malutas ang mga sentenaryong problema ng kapayapaan at kaunlaran.
 

Saad naman ni Merkel, hinahangaan ng panig Europeo ang ginawang pagsisikap ng panig Tsino para sa pagharap sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa biodibersidad.
 

Nakahanda aniya siyang patuloy na palakasin, kasama ng panig Tsino ang bilateral at multilateral na kooperasyon, at magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon.
 

Patuloy kaming gagawa ng positibong pagsisikap, upang mapasulong ang pag-uunawaan at pagtutulungang Aleman-Sino at Euroepo-Sino, dagdag ni Merkel.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method