Pinal na bersyon ng Government Work Report ng Tsina, nagkaroon ng 81 bago o sinusugang nilalaman

2021-03-13 14:07:52  CMG
Share with:

Pinal na bersyon ng Government Work Report ng Tsina, nagkaroon ng 81 bago o sinusugang nilalaman_fororder_ad465421ea814977997d8a15d220c57e

 

Kaugnay ng Government Work Report na pinagtibay sa kapipinid na sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, isinalaysay kahapon, Biyernes, ika-12 ng Marso 2021, ni Sun Guojun, opisyal ng Tanggapan ng Pag-aaral ng Konseho ng Estado, na batay sa mga palagay at mungkahi ng mga kinatawan ng NPC, nagkaroon ng 81 bago o sinusugang nilalaman ang pinal na bersyon ng naturang ulat.

 

Ayon kay Sun, ang naturang mga nilalaman ay sumasaklaw sa mga suliranin tungkol sa pamumuhay ng mga mamamayan, inobasyong pansiyensya at panteknolohiya, agrikultura at kanayunan, edukasyon, serbisyong medikal, serbisyo sa mga matatanda, social security, at iba pa.

 

Sinabi rin ni Sun, na mayroon ding mga palagay at mungkahi tungkol sa malaking pagsasaayos ng mga patakaran ang hindi inilakip sa ulat, at isinumite na ang mga ito sa mga departamento para ibayo pang pag-aralan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method