Inilunsad kahapon, Oktubre 14, 2021, ng Tsina ang kauna-unahang solar observation satellite ng bansa.
May dalang unang solar telescope ng Tsina sa kalawakan, pagmamasdan ng satellite na ito ang deep-red H-Alpha line ng solar spectrum, para magbigay-daan sa pag-aaral ng mga siyentista sa liyab ng Araw.
Ang satellite ay tinatawag na Chinese H-Alpha Solar Explorer, o CHASE. Mayroon din itong pangalang Tsino, na Xihe, at ito ay pangalan ng diyosa ng Araw sa sinaunang mitolohiyang Tsino.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos