【video】Ating Komong Tahanan: Samu’t saring hayop sa Tsina

2021-10-16 11:25:42  CMG
Share with:

 

Makikita sa video, isang sipi ng tatlong episode na dokumentaryong tinatawag na “Ang Ating Komong Tahanan,” ang magkakaibang uri ng mga hayop na may harmonyang nakikipamuhayan sa Tsina.

 

Kabilang dito ang mga nanganganib na hayop na nasa ilalim ng pambansang protektasyon na gaya ng Chinese egret, relict gull, horseshoe crab, giant panda, at marami pang iba.

 

Idinaos ang bahaging online ng Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity (COP15), mula Oktubre 11 hanggang 15 sa Kunming, lalawigang Yunnan, sa dakong timog ng Tsina. Ang bahaging in-person ng COP 15 ay gaganapin mula Abril 25 hanggang Mayo 8, 2022, sa Kunming.

 

Sa okasyong ito, ipinatalastas ng Tsina nitong Martes, Oktubre 12, 2021 ang pormal na pagtatatag ng unang batch ng mga pambansang parke.

Kabilang sa listahan ay Sanjiangyuan National Park, Wuyi Mountain National Park, Giant Panda National Park, Northeast China Tiger and Leopard National Park, at Hainan Tropical Rainforest National Park.

 

Umaabot sa 230,000 kilometro kuwadrado ang saklaw ng naturang mga protektadong lugar at matatagpuan ang halos 30% ng mga pangunahing panlupang ligaw na uri ng hayop at halaman ng Tsina.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method