Tsina, positibo sa pagpuna ng Rusya sa Indo-Pacific strategy ng Amerika

2021-10-09 15:25:12  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Oktubre 8, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang positibong pagtasa sa pananalita ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya tungkol sa Indo-Pacific strategy ng Amerika. Ang pahayag na ito aniya ay nagkapareho sa komong pagkabahala ng karamihan sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Nauna rito, sinabi kamakailan ni Lavrov na ang pagbuo ng Amerika ng Quad mechanism at AUKUS security partnership ay makakapinsala sa sentralidad ng ASEAN na umiiral nitong nakalipas na ilang dekada sa rehiyonal na kooperasyon. Ito rin aniya ay naglalayong gipitin ang Tsina at sirain ang kasalukuyang sistema.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method